Love is like a violin. The music may stop now and then, but the strings remain forever.
-June Masters Bacher
My translation:
Ang pag-ibig ay parang isang biyolin. Titigil man ang musika, subalit ang kanyang hibla ay panghabang-buhay.
Sa aking lahok itong linggong ito, nagbabalik-tanaw ako sa pag-ibig ng aking ama. Noong 2008 ng Abril, sya’y pumanaw na. Kahit wala na ang kanyang pisikal na anyo dito sa atin, alam ko na ang pag-ibig namin sa kanya, at ang pag-ibig nya sa amin ay maihahantulad sa isang hiblang hindi napuputol at habang-buhay kong pagkakahalagahan.
Ito ay mga litratong hindi ko kuha… pero gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang aking lahok na ito, dahil alam kong sa pag-alala ko sa kanya sa aking nalalapit na kaarawan, gusto ko lang sabihin sa aking ama na ang kanyang ala-ala ay laging nasa puso ko.
Boy Scout si ama. Isa sa pinakamasaya kong childhood memory ay ang pagkanta namin ng mga Boy Scout camp songs tuwing brown out.

Ito ang paborito kong litrato ng aking ama noong bata pa sya. Ang gwapo no?
Hindi lang gwapo ang aking ama. Siya’y matalino pa ![]()

Magaling pa kumanta (bass) at maghost ![]()

Mahal na mahal nya ang mama ko
Hanggang sa huli, alam kong lahat ng sakrispisyo nya, dala ito sa pagmamahal sa aking mama.

i edited this in Photoshop with the chinese characters (papa and his little Arlene)

I’ll always remember this picture because this was his picture at the wake.

I love you, Papa. I miss you a lot. You are the greatest Papa and nobody can ever take that place in my heart.

















Recent Comments