
Galing lang akong Naga last last weekend. Nakarating ako uli ng Cagsawa ruins at sa Lingnon Hills para makita ang Mayon Volcano. Tuwing naaalala ko ang Mayon, naaalala ko na ang bait ni Lord sobra - dahil inalagaan pa rin nya tayo dahil alam nyang hindi natin kaya ang isa pang malagim na pinsala pagkatapos ng mga ondoy, etc. at lalo pa ang pinarecent na earthquake sa Chile.
Anyway, a lot of things to be grateful about. At eto naman ang entry ko sa linggong ito
All shot with my Nokia phone
Cagsawa Ruins


Mayon Volcano

And this one’s for Paula, a fellow LP member who likes clouds 


Yey! Finally, meron na din akong LP entry for the year!
Sa unang tingin, para syang mantsa sa sidewalk, pero sa pangalawang tingin, sya pala ay isang simpleng art.
Kuha ito sa HK Disneyland October 2009 gamit ang aking Nokia phone.


Ito ay kuha ko nung nasa bacolod ako. ang ganda ng plaza nila. mala chessboard ang sahig!

naniniwala akong maganda ang pilipinas! happy LP!

Kainan na naman!
Nung empleyado pa lang ako, parati akong nagpupunta ng china. sagana lagi ang kainan… kaya ako tumaba ng husto! Hahaha. Pero nakalose na ako ng 26 pounds since March itong taon!
Hehehe.
kinunan ko ang litrato ito sa isang restaurant sa china. walang ganito dito sa pinas.
chicken knucles - barbecue style (one of my favorites!!!):

at sabaw na nasa loob ng iang teapot (clear soup served in a teapot):

Happy LP everyone!
and … MALIGAYANG BATI PO, ATE THESS! 


paborito ko ang almusal. natutuwa ako tuwing merong mga “breakfast dates”
nauso sa aming barkada ang almusal sa salcedo village ng makati. iba’t ibang lugar ang pinupuntahan namin. paborito ko sa lahat ang apartment 1B.
meron din kaming almusal surprise sa mga nabibirthday!
ito naman ay effort talaga dahil 4 or 5am ay gising na kami at nagsusunduan na para masurprise ang kaberks na may birthday
anyway, para sa aking lahok itong linggo, isang litratong nakunan habang ako’y nasa boracay at nagaalmusal. paborito ko ang pagkaing nakahain sa plato: itlog, sausages at foccacia bread.

happy LP!!!

lumang litrato uli ang lahok ko sa linggong ito…

sa tindi ng sikat ng araw nuong March 21… tila tuyong tuyo ang mga bato sa beach. naisip kong kunan ang aking minamahal na Sanuk na bigay sa akin ng isa kong kaibigan
at syempre, kuha pa rin ito ng aking yumao (pero tila nabuhay sya uli ngayon - pero basag pa rin ang LCD nito) na casio exilim na digicam
Happy LP everyone!

Mejo matagal-tagal akong di nakapag-LP. Nagpunta ako ng Tsina nung isang linggo at nagresign naman ako sa trabaho ko. Ngayong araw lang ako nakapahinga talaga kaya buti na lang nadelay ng isang araw ang LP.
Ang paksa sa linggong ito’y paboritong litrato. Naku, sa dami, hindi ako makapili. Kaya pagbigyan nyo na ako at marami ang aking ipopost ngayong linggong ito.
Kuha sa Nokia 6300, ito ay kinunan ko habang kami’y nasa columbary garden kung saan namamahinga ang aking papa. Kulay brown dapat ang snail na ito, ngunit dahil pagabi na nung kinuha ko ito, mejo naging violet sya.

Ito naman ang una kong kuha macro style sa aking digicam na casio exilim. Ang saya ko nung nakuha ko ito kasi hindi sya DLSR, but it has the DLSR trademark

Nung ako’y nasa Tsina, ang pinakamagandang lugar na aking nakita (sa limited cities na napuntahan ko), ay ang Hangzhou. Ito naman ay kuha nung Enero (winter nila). Gusto ko bumalik dito dahil napakadaming pwedeng lugar na kumuha ng litrato!

Ito naman ang kuha kong mga “jumping” shots.
proud ako kasi ang galing kong kumuha nito sa casio exilim ko
ang sumunod sa makulay na “jump” shot ay aksidente lamang. natuwa kami nung nakita naming parang sinuntok nya yung kasama namin. kaya ayun, nagmala-street fighter kami.




At syempre, di kumpleto ang paboritong litrato kung walang scenic na litrato. ito naman ay kuha din ng casio exilim habang nasa boracay kami nuong 2008.

Happy LP everyone!
Excited na ako s aT-shirt!
hehehe


Blusa - sa salitang Espanol ay ibigsabihin ay blouse. Naisip kong gamitin itong litratong ito dahil ang salitang blusa sa aking impresyon ay makisig ang dating… at wala ng kikisig pa sa gawa ng mga pinoy na terno.
Ang ternong ito ay likha ni Philip Tampus, ang aking paboritong designer at isa sa mga runner-up/ finalist sa Project Runway Philippines nang nakaraan na taon. Ako’y masayang masaya ng gabing ito dahil napanuod ko live ang runway show! salamat sa etc.
Ang litratong ito ay kuha sa Nokia 6300 ng aking kaibigang si Elma na sinama ko para manuod ng Project Runway.
Happy LP everyone!
with Philip and my former officemate, Andrea

Karamihan ng kakabaihan ay mahilig sa bag. Kayo, anong ultimate bag nyo?

kuha ito ng kaibigan ko habang dala-dala ko ang kanyang LV Monogram Canvas Speedy 30. Authentic ito ha
Hindi man yan ang ultimate bag ko, gusto ko rin sanang makabili ng LV one day. O di kaya’y GUCCI.
Happy Huwebes and LP sa inyong lahat!!!
Recent Comments